noon hindi pa ako isang nilalalang na labis na abala sa mga bagay-bagay na inaakala ng karamihan na importante, naglilista ako taon-taon ng mga kahilingan ko para sa isang taon. nilalaman ng sulatin ang mga kahilingan ko para sa sarili ko, sa mga mahala ko sa buhay, maging para doon sa medyo may nagawang hindi maganda sa akin (naisip kong mas madali itong gawin noon kay sa kapag tumanda ka na, bakit kaya?). hindi ko na alam kung bakit ako nahinto sa paggawa ng listahan na ito.
ngunit ngayon, pagkatapos ang hayatus na mahigit dalawang taon, nagbabalik ang aking wishlist.kakailanganin kong itago sa ibang pangalan o simbolo ang mga kaugnay na tao sa listahang ito. ganunpaman, alam kong magiging epektibo o mabisa pa rin ang powers ng wishlist ko.
- mabuting kalusugan ng lahat ng taong pinapahalgahan ko
- patuloy na mapahalagahan ang pamilya
- payapang isipan at kaligayahan
- para kay A, B, C (at sa mga gusto pang magpadagdag sa listahan). hindi ako kabilang dito, isinuko ko na ang slot ko para sa iba, hehe. (i-PM ako kung gusto malaman kung kasali kayo dito hehe)
- wasto at mabuting mga pagdedesisyon sa buhay
- masasayang panahon kasama ang mga taong mahahalaga sa akin
- maraming pagkakataong magawa ang mga bagay na nakapagpapasiya sa akin at sa aking kapwa (tunog panatang makabayan na, hehe)
- proteksyon laban sa masasamang elemento
- maraming magagandang surpresa sa buhay
- pag-unlad sa kaisipan at paggawa
- pambili ng mga"kailangang" gadyets
- makapagtipid ng luha
- makapag-ipon ng masasayang alaala
- bawasan ang masamang emosyon na nakakapanghina
- matutong magbigay ng genuine na papuri sa mabuting gawa ng iba
- mahabang inuman ng kape ng wala nang panginginig
- magkaroon ng oras para sa pagpapaphinga at pagbabasa
- mapangalagaan ang mga tunay na kaibigan
- makagawa ng isang bagay na hindi pa man nagagawa
- bawasan ang pagiging masalita, bagkus ay matutong makinig sa sasabihin ng iba
- magpatawa ng mga nalulungkot (pati na ang sarili)
- huwag baliwalain ang mga nakikitang mali sa paligid
- maging cool at steady lang
- pagtibayin ang spiritwalidad
No comments:
Post a Comment
love to hear from you!